Sunday, May 24, 2020

DISKARTE PARA MAKAPASA SA ENGINEERING



DISKARTE PARA MAKAPASA SA ENGINEERING


Ang engineering talaga ay mahirap na kurso pero kung alam mo ang diskarte para makausad ka at maka graduate ito ay hindi mahirap. Madalas sa mga estudyante ngayon sa college na nag-take ng engineering courses ay may magandang marka noong high school pa sila. Kaya ang taas ng tingin ng ibang tao pag ang kinuha mo ay enginering na sa tingin nila ikaw ay napaka talino. Pero sa totoo lang di naman kailangan maging matalino o magaling ka sa math para makapasa ka sa kurso ito. Lalo na hindi ka kailangan mangamba kung hindi ka magaling sa math dahil maraming paraan para makapasa.


Una, kailangan mo maging pala kaibigan sa mga classmate mo. Sabi nga nila "no man is an island" kaya hindi ka dapat mag solo sa kursong ito. Lahat ng classmate mo o ang naging kaibigan mo sa engineering ay isang malaking bagay para magtulungan kayo sa lahat ng bagay. Isa na dito ang pag group study, kung may matalino kayong classmate huwag nyo ito kalabanin dahil siya ang makakatulong sa inyo lalo na sa mga mahihirap na subject. Dahil pwede kayong magpaturo sa kanya sa mga parte ng subject na kung saan kayo nahihirapan. Maging madiskarte sa pagkuha ng mga sources o reference, magtanong-tanong kayo sa mga seniors ninyo na dumaan na sa mga subject na ganyan. Kasi madalas naman sa mga exam ng mga professor ay paulit-ulit lang naman, na may binabago lang sa mga exams. Kaya mas madali sa inyo kung marami kayo mapag-tanongan,  lalo na sa mga libro na ginagamit ni prof, hanapin niyo ito sa library kung saan siya kumukuha ng reference ng klase niyo para maging advance kayo. Ang ganitong diskarte ito ay may tsansa ka pumasa sa mga subject mo. Sabi nga nila, kailangan mataas ang fighting spirit mo kapag engineering ang kurso mo. Isang malupit na diskarte ang kailangan para pumasa. Biruin mo, kahit pa adik ka sa dota, gimik at kung ano-ano pa kung may diskarte ka kaya mo ito ipasa.


Ayon sa iba maapektohan daw yung lifestyle mo as a student pag engineering ang kurso mo. Pero sa totoo lang, di mo na kailangan ng malaki grades para pumasa di bale nalang kung achiever kang tao or may mini-maintain ka na grades. Kasi 75% lang o 3.5 ok kana diyan, lalo't mahirap na mga major subjects sa engineering. Kung di ka gaano magaling sa theory bumawi ka sa technical at madalas ito sa engineering students. Ang iba bumabawi sa mga project, dito rin lumalabas ang pagka-maparaan mo. Ang electronics subject ay isa sa mga subject na may design project na madalas din sa mga electronics o computer engineering na kurso. Lalo kung maka encounter kayo sa mga professor na mahilig sa technical at madalas hinihila nila ang mga grado ng mga estudyanteng may project na gumagana pag dating sa checking o project final defense. Ang mababa mo grado sa midterm ay may malaking tsansa na pumasa sa final grade mo sa isang mahirap na subject. Kaya masasabi ko, na ang engineering ay hindi lang umiikot sa theory, pwede ka bumawi sa ibang paraan. Kaya kailangan lang talaga maging madiskarte sa kurso ito, maging updated sa lahat na nagngyayari sa department niyo, obserbahan ang mga ugali ng professor (huwag maging pasaway, para di pag initan..hahaha) at iba pa. Minsan kailangan din talaga nating maging mabait sa mga professor natin, kasi sila yung may hawak ng grado niyo. Dahil sa maniwala ka o hindi, diyan lumalaban ang gradong mo mahuhulog na at pwede pa nilang hilahin para pumasa ka. Kasi pag nakikita ng professor niyo na nagsisikap ka naman at hindi ka umaabsent sa kanyang klase, may malaking tsansa hindi ka niya babagsakin sa kanyang subject. Kaya nagtataka kayo sa ibang engineering student na pa-chill-chill lang na parang hindi pressure sa kurso nila. Kasi sanay na sila sa kalakaran ng engineering para pumasa, di mo kailangan ibaon ang sarili mo sa stress. Gumawa ka ng paraan na kung saan mas makakatulong sa iyo para makapasa ka at the same time natuto ka rin. Para ma enjoy mo naman ang college life mo at di puro aral lahat. Kung time para sa aral, mag aral ka, kung time naman sa gala, gimik o laro gawin mo. Importante mabalanse mo ang iyong oras, na na-aayon sa iyong interes, para maging matagumpay ka sa iyong pag-aaral at ikaw ay maka graduate.




No comments:

Post a Comment