Isa sa mga problema ng mga pinoy na hindi mawala-wala ay ang pera. Ito na marahil ang nagsusubok sa tao kung hanggat anu kaya gawin makamit lang ang salaping ito. Kahit ikaw ay may trabaho, may negosyo, pension, dumadating parin sa panahon na mas humihigit ang iyong kakailanganin kahit may stable kanan na trabaho or pinansyal.
Ang isa sa mga sagot nito ay ang pag-iipon. Mahirap kaman o mayaman hinding-hindi mo maiiwasan ang mag-ipon, dahil hindi mo malalaman o ma predict yun susunod na mangyayari sa iyong buhay. Lalo't may pamilya kana, asawa, anak, apo o kahit isa sa mga kamag anak may magkasakit kung handa ka tumulong. Mga plano mo sa buhay tulad ng pagtatayo ng pangarap mong bahay, bibili ng mamahaling bagay, makapag travel, basta't mga satisfying things na makakapagpasaya sayo or makakatulong.
Ang pag-iipon ay madaling sabihin, pero napakahirap gawin para sa mga taong maraming "wants" sa buhay. Isa na rito ang napakadaming tukso sa paligid tulad ng barkada nag yaya ng inuman. Ang kumain sa mamahaling restaurant ng madalas, bumili ng bagay na hindi naman kailangan. Gumastos na wala sa naayon sa kapasidad nag magbayad na pinipilit mo e gasta lalo na sa may mga credit card, lumalabas na baon kana sa utang. Ang mga nabanggit ko ay isa lang sa mga madalas na nangyayari sa atin at madalas ito sa mga pinoy.
Kaya't ang mapapayo ko lang sa mga taong nahihirapan sa ganitong sitwasyun ng pag iipon. Ang sagot ko dito ay determinasyon og Pagpapasiya. Itatak mo sa isip mo kung ano ba talaga ang gusto mo, itanong mo sa sarili mo kung may mangyayari ba sa mga plano mo sa buhay kung patuloy ka gumastos ng gumastos. Isipin mo kung ano mangyayari kung wala kang savings sa banko, wala ka maiipopondar, ano ang mangyayari sayo. Lage mo iisipin na hindi permanente ang iyong estado sa buhay, hindi habang buhay may maganda ka trabaho, hindi habang buhay gumanda ang takbo ng iyong career, sa trabaho man or sa negosyo. Ang pag-iipon ay walang pinipili mahirap man o mayaman, nasa sayo yan kung kontento ka kung ano naipon mo. Ang pagiging masinop or palaipon ay isang malaking halimbawa na handa ka sa mga susunod na pangyayari sa iyong buhay, maganda man o masama.
No comments:
Post a Comment