Una, isang paraan para mas mapabilis ang paglilinis natin sa bahay at magiging maganda sa paningin at presentable lalo na kung may biglaan pagbisita ng kaibigan o kamag-anak. Gumawa ng plano para sa linggohan na paglilinig ng bahay, ihanda ang mga panglinis tulad ng walis, trapo, at brush. Ito ay pinaka mabisang gamit na paglinis lalo na sa toilet area at sa kusina.
Pangalawa, iba-iba ang estilo ng paglilinis ng bahay. Tulad ng paglinis ng alikabok simula kwarto hanggang sala. Para mapag isa ang pag linis nito at nasusundan ang mga lahat ng sulok. Isipin mo lang kung ano pwede gawin na mas kaaya-aya gawin na naayon sa gusto mong style.
Pangatlo, isa sa mabisang panimula sa paglilinis ay ang pag aayos ng mga kalat, para hindi maging disturbo sa iyong paglilinis. Isa na dito ang mga gamit na nakakalat tulad ng mga papel, libro, at mga laroan ng bata kung meron man. Para pagkatapos mong mag ayos ng lahat ng kalat ay makakapag simula kana ng iyong paglilinis.
Apat, palaging magsimula sa mataas na parteng lugar ng bahay hanggang pababa ng sala. Gumamit ng basahan na basa, at simulan ang paglilinis sa mga gilid o sulok ng bahay. Huwag kalimotan ang mga maliliit na bagay tulad ng naka display sa sala, dahil sigurado may makakapal na itong alikabok.
Lima, ang kusina ay isa sa mga pinaka madumi parte ng bahay. Gumamit ng sprayer na pang kusina na hindi nakakasama ang amoy. Linisin mabuti ang mga lababo at mga tiles nito gamit ang brush o basahan na basa. Huwag kalimutan punasan ang mga appliances tulad na refrigerator, microwave at oven. Panatilihin malinis ang kusina dahil maaring panirahan ito ng mga insekto tulad ng lamok at ipis.
Anim, sa parte naman ng bathroom ay kailangan palitan ang mga lumang sabon na natunaw. Gumamit ng brush para sa sulok nito, pwede din gumamit ng sabong panglaba na nakababad sa tabo. Mabuting kunin lahat ng mga basura nakakalat sa loob nito at punasan ang pinto na madalas nakakapal ang mga dumi nito dahil sa mga sabon tumapon.
Pito, simulan ang paglilinis ng bintana na madalas din makapal ang alikabok. Palitan ang mga bedsheet ng kama tuwing isang linggo para manatiling malinis ang mga ito. Ang mga unan ay huwag kalimutan palitan dahil madalas ito ang may pinaka marumi parte ng kwarto.
Walo, kung may vacuum cleaner kayo sa bahay ay mas mabuting gamitin ito sa lahat ng kwarto para sa paglinis na sahig para makuha ang mga nakadikit na alikabok. Pwede ring gumamit ng lampaso kung kahoy ang sahig ng bahay. Gawin itong lingo-lingo hangga't maari para mas malinis ang buong bahay. Ang mga gawain ito ay maganda kung buong pamilya sa bahay ang maglilinis. Pwede ito e assign sa mga kasama sa bahay, kung sino ang maglilinis sa kwarto, sala, kusina at bath. Maging organisado sa lahat ng gagawin para maging matiwasay ang paglilinis.
No comments:
Post a Comment