Sunday, May 3, 2020

Philhealth contribution ng OFW itataas



Nadismaya at pumalag Overseas Filipino Worker o (OFW) dahil sa plano ng Philippine Health Insurance(Philhealth) na halos times 3 ang magiging bagong kontribusyun nila ngayon taon 2020. Isa sa ikinagalit ng mga OFW ay ang ginawang kondisyon para makakuha ng OEC(Overseas Employment Certificate). Ang OEC ay isa sa mga pangunahing dokumento para makapagtrabaho abroad ang isang pinoy sa ibang bansa.

Naglabas ang Philhealth noong April 16, 2020 ng Circular 2020-0014 na magtatakdang magbayad ang isang OFW ng Php 2400 na una o initial payment para sa taong ito.

Hindi lamang ang Php 2400 na initial payment ang poproblemahin ng mga OFW. Magbabayad pa sila ng higit kumulang na Php 5000 hanggang Php 19200 sa philhealth ngayon taon 2020. Ito aa katumbas ng 3% na buwanang sweldo ng taong ito.

Talagang napakalaking pasanin ng mga OFW ang gagawin ng Philhealth, kasi aabot sa Php 7000 hanggang Php 21000 ngayong taon.


Ang lahat ng ito ay hindi pa nagtatapos, sa 2021 itataas ang kontribusyong sa 3.5% sa kanilang sweldo at hindi titigil hanggang umabot sa 5% ang kanilang kontribusyon sa Philhealth.
Nadidismaya ang mga OFW sa balitang ito. Hindi katangtangap sa ganitong kalaking ipapataw ng Philhealth sa kanila. Sa ngayon ay patuloy ang pag aapela ng mga OFW para hadlangan ang plano ng Philhealth dahil dagdag pasanin lang ito sa kanila.

No comments:

Post a Comment