Ang stress sa trabaho ay isa sa mga dahilan kaya tayo nakakaranas ng di maayos na tulog tuwing gabi. Meron din naman may mga problema laging iniisip kaya hindi nakakatulog ng maayos. Kaya ang problema sa pagtulog ay may mga simpleng paraan para makamit ang mahimbimbing na pagtulog. Ito ay mga simple lamang na mga paraan pero epektibo naman at nakakatulong sa problema mo. Isa na rito ang maayos na kama, ayusin ang lahat ng kalat sa kwarto para maiwalas ang iyong paningin. Nakakagana ang ganitong gawain dahil napaka aliwalas at walang sagabal sa iyong pagtulog dahil nakaayos lahat ng gamit. Ihanda ang iyong paboritong unan o kumot na mainam din para ikaw ay makatulog ng mahimbing.
Huminga ng malalim at huwag isipin ang mga bagay-bagay na nakakalungkot o mga problema iyong dinadanas sa kasalukuyan. Maging positibo sa mga bagay na makakasagabal sa iyong mga ginagawa at lagi isipin na maayos lang ang lahat ng ito. Kahit ikaw ay may maraming problema, lagi isipin ang mga bagay na nakapagpapasaya sa iyo. Marami nagmamahal sayo lalo na ang iyong problema at kailangan mo iwasan ang sobrang pag-iisip ng problema na nagbibigay hadlang para sa iyong maayos na pagtulog. Dapat tayo matulog ng maayos para tayo ay lumakas at malabanan ang hamon ng buhay.
Isa rin ito sa madalas na ginagawa ng iba, ang pakikinig ng magandang musika. Mabisa paraan din ito makinig sa mga paborito mong kanta pamparelax sa iyo, lalo na yong nagpapakalma na mga musika na nakakatulong marelax ang iyong isipan at tuluyang makatulog ng mahimbing. Kahit noon bata pa tayo, lage tayo kinakantahan ng ating ina para tayo ay makatulog ng maayos. Ugaliin ang ganitong gawain kung ikaw ay nakakaranas ng hirap sa pagtulog, dahil malaki bagay ang pakikinig ng maganda musika.
Ang gatas din ay mainam na pampatulog lalo na sa gabi. Ito ay tumutulong kumalma ang iyong pakiramdam. Meron namang iba na umiinom din ng tea na mabisa rin daw sa pampagana sa pagtulog. Ang pagamit ng gadget ay isa sa mga dahilan din kung bakit di tayo nakakatulog. Nakaka disturbo ito sa yo, dahil lalo ka lang di dadalawin ng antok dahil inaagaw ang atensyon nito sa pagtulog. Ang panonood din ng telebisyon ay hindi maganda sa mga taong nahihirapan matulog na katulad din sa pag gamit ng gadget. Iwasan ang mga bagay na nakaka disturbo sa iyong pagtulog para maging matagumpay ang iyong mahimbing na tulog. Kung mahilig naman tayo magbasa ng libro, ang paraan naman ito ay mabisa. Nakakaantok ang pagbaba ng libro, lalo na kung ikaw ay may paboritong binabasa mga bagay-bagay na nakakaaliw.
Ang pagiging positibo sa lahat ng bagay ay napakalaking tulong sa iyong pagtulog. Lahat ng nabanggit ay mga simpleng paraan lamang pero ito ay epektibo sa lahat. Subukan mo lang mga tips na ito dahil baka epektibo naman sa iyo ang isa sa mga ito, May iba-iba naman paraan ang lahat ng tao para makatulog ng mahimbing, na na-aayon sa kanilang mga nakasanayan.
No comments:
Post a Comment