Friday, May 1, 2020

Super Crispy Lechon Kawali 2020 - Pinoy



Super Crispy Lechon Kawali 2020 - Pinoy

Napapansin nyo ba na parang iba iba ang pagkaluto ng mga lechon kawali. Ito ang recipe na makakasabi o makakasagot sa inyong mga katanungan. Ganito ang pagkakaluto ng Super duper na crispy na kawali. 

Para mas effective yung recipe natin. Maghanda ng kaldero may takip. Ilubog ang baboy sa mantika at takpan ang kaldero.
Mga Sangkap:
1-2 kilo baboy ng  liempo o hita.
2 tasa ng softdrink na Sprite
2 tbsp na asin
pamintang durog5 o 6 butil ng bawang naka pinipit o dinikdik
1 o 1 1/2 tbsp pamintang buo
3 dahon ng laurel
Cooking oil o Mantika para sa deep frypatis at kalamansi pamahid

Mga proseso:

Ang iyong ginamit na kaldero na malalim ay ilagay ang hinugasan na baboy, sprite, asin, bawang, paminta at dahon ng laurel.

Huwag kalimutan lagyan ng tubig at pakuluin ng mataas na apoy para itoy kumulo. Pag ito ay kumulo na, takpan ang kaldero at babaan ang apoy hanggang 45 -60 minuto.
Gamitin ang tinidor para malaman mo kung medyo malambot na ang karne at patayin ang apoy. Ang baboy ay hanguin sa kaldero at ilagay sa drain pan at hayaang matuyo. Isa sa sekreto dito ay ilagay sa ref ang karne sa loob ng 8 oras.

Gumamit ng bowl para pagsamahin ang patis at kalamansi para pang pahid sa karne galing sa ref. Ihanda ang malalim na lutoan para e deep fry ang karne sa loob n 15 minuto hanggang sa ito ay lumutong. Huwag masyado lakasan ang apoy, hinaan lang ito. Pagkatapos ay hanguin at e drain ang malutong na lechon kawali parang matanggal ang mantika. Hayaan lang ito medyo lumamig ng konti at ibalik sa pinaglutuan sa pangalawa pagkakataon. Dito na sya malulutong lalo at ito ay sandali lamang para hindi masunog.

Malalaman mo kapag crispy dahil sa sobrang lutong pag ito ay tikman mo. At ihanda na ang mga paboritong sawsaw para e enjoy ang pagkain..Happy Eating!!Delicious Kawali. Masarap ang Lutong Bahay.

No comments:

Post a Comment